Infinity Motion Clan
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.



 
HomePortalSearchLatest imagesRegisterLog in

 

 I'm still fighting...

Go down 
AuthorMessage
vester16




Posts : 31
Join date : 2010-11-07

I'm still fighting... Empty
PostSubject: I'm still fighting...   I'm still fighting... EmptyMon Nov 08, 2010 9:30 am


Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nahuhulog na ata ako. Sa tuwing naririnig ko ang boses niya, tuwang tuwa ako. Para unti-unting nabibigyan ng kulay ang mundo ko lalo na't marinig mo kung paano niya sinasabi ang "I love you", "Ingat ka lagi", "musta ang araw mo?" at iba pang mga salita na alam mong may pakialam talaga siya sa'yo. Yung tipong boses na buong araw ka niyang iniisip kung na paano ka na sa school at kung ok ka lang ba o kung masaya ka ba sa araw na 'yon. Nung araw na iyon, wala akong ibang maisip kung di sabihin sa kanya na mahal ko rin siya kahit di ko alam kung tama ba o mali itong ginagawa ko. Alam kong mahirap ang magiging sitwasyon namin pero kakayanin ko. Kakayanin rin naman niya eh...

September 2009...

Nagsimula na yung mga pagsubok namin... di na kami masyadong naguusap dahil sa bagyo... lagi nalang umuulan sa Olongapo't nawawalan ng signal ang Sun Cellular. Minsan eh napag-isipan ko nalang na magswitch to Smart pero di siya pumayag kasi at least nakakausap ko parin siya't naririnig niya ang boses ko. Pero sa kabila ng lahat, Masaya parin ako... Nandiyan siya eh, ginigising ako sa umaga... tumatawag sa gabi para kumustahin ako. Kapag tumatawag siya, parang nawawala lahat ng problema ko. Kung sa tingin ko na di ko na kaya, sinasabi niya na kaya ko pa... na magpapakatatag ako. Dapat tapusin ko raw pag-aaral ko kahit gaano kahirap.

October 2009...
Bagyo nanaman sa Olongapo... malas naman o, nabasa pa yung phone niya.... nasira.... pero nakakapagusap naman kami minsan... ganoon parin.... kinakamusta ako... Tuwang tuwa nga ako kasi nagEnroll na siya... Mag-aaral siya ulit para sa akin...

November 2009...
Halos walang communication... busy sa school....

December 2009...
Masaya... dahil nakapaggreet siya... nakapagusap kami... kahit di madalas.

January 2010...

February 2010...
Sinurpresa niya ako nung valentines day... tumawag siya... kinamusta niya ako. sobrang tuwa ko at least hindi lonely yung valentines day namin...

March 2010....

April 2010...
Graduation... I really wished he was here kaso di pwede eh...

May 2010...
Sinurpresa nanaman niya ako... tumawag siya nung birthday ko... narinig ko boses niya... ^_^

June 2010...
Naging busy ako sa review... lapit na kasi ng board exam namin eh...

July 16 2010...
Isa sa mga pinakamalungkot na monthsary namin...isa sa mga pagsubok sa pagmamahal namin... may pumasok at muntik wasakin yung relasyon namin...

July 25, 2010...
Music - What You Mean to Me

Nagmessage siya... Sobrang saya ko.... hindi pala totoo yung hinala ko.... Mahal niya pala ako... nagkamali ako... Tochan, Sorry ah... kung nagselos ako... Mahal kasi kita eh... at natatakot akong mawala ka... Kinalimutan ko na yung nangyari....

August 16, 2010...

Anniversary namin... ^_^ ♥

August 27, 2009...

Lumabas yung results ng board exam... pasado ako... tuwang-tuwa kami ni Tochan. kaso... nung sumunod na araw... biglang binawi ni Lord yung tuwa ko... kinuha na niya yung buhay ng Angkong ko... :(

September 2010

Masaya ako... dahil paano... nakakapag-usap kami... ^_^ although may kaunting away dahil nga sa selosan pero di naman ganun kagrabe...

October 16 - 17, 2010...
Music - The Only Exception

Dumating yung bad news... may nakita yung kaibigan ko na gumamit ng pics ni Tochan... kaya akala ko tuloy, nagsisinungaling siya sa akin... nasaktan ako... akala ko niloko niya ako... pero nagkamali ako... Di siya nagsinungaling... bakit naman niya gagawin iyon eh mahal niya ako?... "I love you very much..." sabi niya... Kalmado na ako... di na ako galit... "I love you too very much..." inisip ko sa sarili ko...

"Ingat ka na lang diyan"... pumatak yung luha ko... bigla kong naalala yung mali na ginawa ko. "Kung galit ka sa akin, pwede mo na akong kalimutan, pero ako, hinding hindi kita kakalimutan. I love you very much... Ingat ka na lang diyan"... Gumuho ang mundo ko... Nasaktan ko sarili ko... Ano nang gagawin ko? Kailangan ko siyang kausapin... Gusto kong magsorry...

Gary, Mahal parin kita...

October 24, 2010

Nagsend ng message yung kaibigan ni Gary sa akin... ayun... sinabi niya sa akin ang lahat... it makes sense kaunti pero gusto ko na talagang kausapin si Gary eh... nahihirapan na ako... nasasaktan na ako... pero kailangan kong tanggapin itong parusang ito... Kasalanan ko naman eh...

I love you very much Gary. Sorry sa pagkakamaling nagawa ko sa'yo.... sorry kung nasaktan kita... di ko sinasadya... Mahal na mahal kita...

Tayo pa...


Ang dami naming pinagdaanan... Daming beses na din kaming nasaktan... Nahihirapan na kami pero kinakaya parin namin... mahal namin ang isa't isa at sapat na yun para ipaglaban namin ang relasyong ito. Distance never matter... The world never matters as long as we're together... Destiny is a choice and It's up to us to make that choice na kami ang magkakatuloyan... True love prevails...

Until now... I'm still fighting... Because I believe that this relationship is still worth saving... this Love is still worth fighting for...

I love you Gary Villanueva... Always... Now and Forever... ♥
Back to top Go down
 
I'm still fighting...
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Infinity Motion Clan :: Entertainment corner :: Online games here!-
Jump to: